ILOILO CITY - Patuloy ngayon ang nagaganap na malaking sunog sa bahagi ng Iznart Street sa Iloilo City. Nangyari ang sunog habang nasa kasagsagan ng selebrasyon ang syudad kaugnay sa Dinagyang festival. Nagkataong maraming mga bisita at turista.
Tinutupok ng apoy ang ilang commercial establishment na nasa mismong commercial district ng city proper.
Malapit din ito sa tinaguriang "Chinatown" na lugar. Marami ring mga residente ang nagsilikas. Nagdulot naman ng matinding trapiko ang pangyayari.
Sinabayan din ito ng pagkawala ng suplay ng koryente o brownout sa mga nakapaligid na lugar kung saan nagaganap ang sunog.
Source: Bombo Radyo Iloilo
Malaking Sunog sa Iloilo City Habang Patuloy ang Selebrasyon ng Dinagyang Festival 2014
Friday, January 24, 2014
No comments